By

Stallone desidido sa Rambo 5

Sharing is caring!

Kinumpirma ng veteran Hollywood action star na si Sylvester Stallone na gagawin niya ang ikalimang Rambo movie.

Ayon sa 71-year-old actor, tinatapos na raw ang script ng Rambo 5 at ang producer niya ay si Avi Lerner, same producer niya sa movie na Expendables.

Magsimula na raw silang mag-shoot in September 2018 sa bansang Mexico. Sa bagong Rambo movie, mga Mexican cartel ang makakalaban ni John Rambo dahil sa pagligtas niya sa kanyang daughter at sa mga kaibigan nito.

Ang unang Rambo movie ay ginawa noong 1982 na may titulo na First Blood. Hango ito sa 1972 novel na sinulat ni David Morrell.

Nasundan ito ng sequel na Rambo: First Blood Part II in 1985 and Rambo III in 1988. Ang ikaapat na Rambo movie ay pinalabas noong 2008.

Bukod sa Rambo 5, tinatapos din ni Stallone ang Creed II at ang Expendables 4.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?