89

Oct 28, 2021 @ 16:44
By

‘Stalker’ ni Pia Wurtzbach sumipa sa 13M

Hindi pa humuhupa ang kasikatan ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Masaya niyang ibinalita na umabot na sa 13 milyon ang mga follower niya sa Instagram.

“13 million confidently blue-tiful souls. Love you all! sey ni Pia.

Nasa Saudi Arabia ngayon ang beauty queen matapos niyang maging judge sa national pageant ng South Africa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?