27

Oct 11, 2021 @ 14:59
By

Stage actor nabagsakan ng backdrop, dedo

Patay ang isang 38-anyos na stage actor sa Moscow, Russia noong Sabado matapos umanong mabagsakan ng backdrop sa gitna mismo ng kanilang pagtatanghal.

Ayon sa ulat ng The Sun, kinilala ang aktor na si Yevgeny Kulesh.

Nasa gitna umano ng pagtatanghal si Kulesh kasama ang iba pang stage actor sa Bolshoi Theatre nang maganap ang aksidente.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, namali ng direksyong pinuntahan si Kulesh sa gitna ng play at natapat sa pagbabagsakan ng backdrop.

Tinawag agad ng iba pang performer ang atensyon ng medical team at isinara ang kurtina ng tanghalan.

Gayunman, bigo silang mailigtas ang buhay ng aktor.

Pinalabas din ang mga manonood, na noong una ay inakala pang parte ng mismong play ang nangyari kay Kulesh.

Iniimbestigahan pa ng mga pulisya sa lugar ang sanhi ng aksidente. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?