36
le-tour1
By

Stage 3 pinuslit ni El Joshua Cariño

Sharing is caring!

Magkaibang team pero nagtulungan ang mag-utol na El Joshua at Daniel Van Cariño para sikwatin ang 1 to 2 finish kahapon sa Stage 3 ng 9th edition ng 2018 Le Tour de Filipinas.

Nagkaskasan ang mag-utol sa huling 50 metro ng laban, inungusan ni Standard Insurance rider El Joshua ang nakababatang kapatid na si Daniel Ven ng 7-Eleven Road Cliqq Roadbike Philippines upang hablutin ang panalo sa 185. 20 km race Bambang, Nueva Vizcaya hanggang Lingayen, Pangasinan.

Nirehistro ni 25-year-old Cariño ang tiyempong apat na oras, 28 minuto at 56 segundo sapat upang maagaw ang overall lead sa teammate nitong si Stage 2 winner Ronald Oranza.

“Strategy talaga namin palayuin yung timing gap,” sabi ng matandang Cariño. “Dito na sa last one kilometer kami nag-decide na mag-sprint para lumaki ang lamang namin sa kalaban.”

Ayon kay El Joshua, kabisado nila ang mga daan kaya nagawa nilang maka-alagwa sa mga kalaban sa event na suportado ng Air 21, Cargohaus Inc. at Cignal.

May aggregate time na walong oras, 17 minuto at 23 segundo si El Joshua habang segundo si 19-anyos Daniel Van na nilista ang 8:17:27 oras.

Lumagapak si Villasis, Pangasinan native Oranza sa tersero sa overall na may siyam na oras, 19 minuto at apat na segundo, nasa pang-apat si Hajeon Jung ng UiJeongbu Cycling Team, (8:19:11) habang fifth si Navy rider jan Paul Morales, (8:19:11)

Pangatlong dumating ng meta si Mervin Corpuz ng Philippine National Team.

Sisibat ngayong araw ang Final Stage 4 na may 154.65 kilometer na magsisimula sa Pangasinan Provincial Capitol at aakyat sa matatarik na bulundukin sa Baguio City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?