68

Mar 29, 2020 @ 15:34
By

Staff member tinamaan ng COVID-19: San Juan Mayor Zamora magka-quarantine

Sasailalim sa self-quarantine si San Juan Mayor Francis Zamora matapos malaman na isa sa kanyang staff ang nagpositibo sa coronavirus.

Ayon sa pahayag ni Zamora, inabisuhan siya ng kanilang City Health Officer na isa sa kanyang staff sa Mayor’s Office ang tinamaan ng COVID-19.

Personal na umano niyang nakausap ang nasabing staff member, at wala naman daw itong nararamdaman ng sintomas tulad ng ubo, colds o lagnat.

“In the interest of public safety, I will be going on self-quarantine starting today, March 29 up to April 11, 2020,” ayon kay Zamora, at nilinaw na wala din naman siyang nararamdaman na sintomas ng virus.

Aniya, patuloy niyang gagampanan ang trabaho, partikular pagdating sa medikal at social aspect ng kanilang lungsod para labanan ang COVID-19 pandemic.

“I am looking forward to the opening of our 25-room COVID-19 ward in San Juan Medical Center today, which is on top of our existing 17 isolation rooms,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?