139

Dec 25, 2019 @ 11:12
By

Sta. Mesa, Manila sinalubong ng sunog matapos ang Noche Buena

Tumambad ang sunog sa Bacood Street sa Sta. Mesa, Manila ilang sandali matapos mag-Noche Buena ang mga residente dito bilang pagsalubong sa Pasko.

Martes ng gabi ay sumiklab ang sunog sa nasabing lugar, na mula umano sa ibabang palapag ng isang bahay, ayon sa Manila Fire District.

“Malaki na talaga yung sunog pagdating ng responding unit natin,” ayon kay Fire Chief Inspector Rae Sumedca sa panayam ng ‘Unang Balita’ ng GMA.

Saad ng isang residente, matutulog na sana sila ng bigla na lang umalingasaw ang isang sigaw dahilan para lumabas sila at dito na nakita ang sunog, na batay sa pagtatala ng MFD ay nakapinsala ng higit P300,000 kagamitan.

Wala namang naitalang nasaktan o nasawi sa nasabing sunog, at patuloy pa ring iniimbestigahan ang pinanggalingan ng apoy na naapula bandang alas-2 ng madaling-araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?