116

Feb 4, 2020 @ 8:37
By

Sta. Lucia, West Japan bumuwena-mano agad

Humambalos agad nang magkahiwalay sa Philippine SuperLiga (PSL) Imus City Mayor Maliksi Super Cup ang Sta. Lucia Lady Realtors at West Japan All Stars nitong Lunes sa Imus Sports Center.

Nagwagi ang Lady Realtors kontra Generika-Ayala Lifesavers, 19-25, 27-25, 18-25, 25-21, 17-15.

Tinapos ni newly acquired Fil-American hitter Jessica Vestal ang laban via cross-court hit sa preseason tourney na may temang “Spike For A Cause”.

Winalis naman ng West Japan All Stars ang Cignal HD Spikers, 25-16, 25-14, 25-10.

Absent para sa mini tournament sina Cignal ace spikers Rachel Anne Daquis at Jovelyn Gonzaga na sumasailalim sa recovery mula sa busy schedule sa nakalipas na taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?