451

Nov 25, 2021 @ 19:15
By

St. Luke’s pumalag sa viral drug test result ni Marcos Jr.

Naglabas ng pahayag ang St. Luke’s Medical Center at nanindigan sa pagiging tunay ng resulta ng drug test nito matapos pagdudahan ng mga netizen nang magpa-cocaine test sa ospital ang presidential aspirant na si Ferdinand Marcos Jr.

Sinagot ng ospital ang ilang netizen na nagsabing peke ang resulta ng drug test na inilabas ni Marcos Jr. dahil sa format nito at nakalagay na address ng branch ng ospital sa Taguig.

“The format of the printed test result is standard and common among all healthcare facilities authorized by the Department of Health (DOH) to conduct dangerous drug tests,” anang St. Luke’s sa pahayag na inilabas sa kanilang Facebook page nitong Huwebes.

“Regarding the mention of Bgy. Ususan as our location, this is because that is the only available location in DOH Integrated Drug Test Operation Management Information System when St. Luke’s Medical Center – Global City was accredited in 2010,” patuloy pa nito.

Nanawagan ang St. Luke’s sa publiko na iwasang mag-post ng “misleading” at “inaccurate” information sa social media.

“St. Luke’s calls on everyone to verify the information they receive from others and the information they plan to post online,” anang ospital.

Noong Lunes nagpa-drug test si Marcos Jr. upang patunayang hindi siya ang tinutukoy sa blind item ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang presidential candidate ang gumagamit ng cocaine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?