706

Dec 8, 2017 @ 19:37
By

St. Luke’s naeskandalo kay Ruffa

Naeskandalo ang St. Luke’s Medical Arts Building sa BGC (Bonifacio Global City) dahil sa tili ni Ruffa Gutierrez, huh! Wala namang masamang nangyari kay Ruffa, pero hindi niya napigilan ang mapatili at mag-iiiyak dahil sa procedure na ginawa ni Dr. Vista sa kanyang knee.

“Doctor removed 2 jars of liquid from my knee!!! It was the most painful thing on earth!!! The entire hospital heard my scream, ‘kaloka!

“I cried so much. I need to rest for the next 2 days and no workout,” sey sa amin ni Ruffa kahapon nang maka-chat namin siya.

Dahil daw sa workout injury 3 months ago, kaya nagkaganoon ang kanyang tuhod.

“I went to 2 other doctors who said I just needed therapy, pero palagi pa ring masakit my knee, so, I went to Dad’s (Eddie Gutierrez) doctor at St. Luke’s Global today.

“My gosh, he got soooooo much fluid from my knee. It was so swollen. I need to rest, but not totally bed rest naman.”

Dahil sa kanyang knee treatment, kailangan ding mag-ice pack ni Ruffa at may ointment din siya na pinapahid para hindi magka-black and blue ang kanyang knee.

“Kaloka talaga. But the good news is I’ve already lost 7 kilos. Yeheeey! Thanks to my diet, may trainer Arnold,” dagdag pa ni Ruffa.

Kapag sinasabihan kasi si Ruffa ng nanay niyang si Annabelle Rama na tumataba, parang napu-frustrate siya, at sinipagan nga niya ang pagdyi-gym at pagda-diet at madalas din siyang magpa-treatment sa clinic ni Dr. Vicki Belo, kaya hindi na siya affected sa ganoong dialogue ng kanyang nanay.

Sabi ni Ruffa, she’s expecting daw na mas papayat pa siya bago mag-Christmas. (Jun Lalin)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?