65

Nov 1, 2017 @ 13:50

SSS officials na dawit sa anomalya, pinasisibak

Pinasisibak ni Anakpawis Partylist Rep. Ariel Casilao sa Social Security System (SSS) Board ang mga opisyal nito na sangkot sa maanomalyang transaksiyon gamit ang investment stocks ng ahensiya para sa kanilang personal na kita.

Hinimok din ni Casilao ang SSS members at pensioners na hingin ang pagbibitiw nina SSS commissioners Reginald Candelaria at Ernesto Francisco, gayundin nina SSS Executive Vice President Rizaldy Capulong at chief actuary George Ongkeko Jr.

“It is very enraging that SSS members are having a hard time to access their benefits but these SSS officials are having a killing on the remittances of its members through shady investment transactions,” pagbibigay-diin ni Casilao.

Kasabay nito’y iginiit ng kongresista na imbestigahan ng liderato ng SSS ang iba pang investment dealings nito.

Ayon kay Casilao, tiyak na may iba pang nangyayaring anomalya sa SSS investments kaya sinasabing paubos ang pondo nito.

“This goes to show that it is wrong to blame pension hike over the slow depletion of the fund but in fact; it is the corrupt practice, fund mismanage and the improper collection of remittances are behind the dwindling SSS fund shortage,” dagdag pa ng mambabatas. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?