73
sss
Mar 17, 2020 @ 15:15
By

SSS nagsuspendi ng operasyon sa Luzon

Sinuspinde na ng Social Security System (SSS) ang operasyon nito sa buong Luzon.

Sa isang pahayag, sinabi ng SSS na, “We are suspending all SSS operations today, 17 March 2020, in the Main Office, Makati Office, and all branches in NCR and Luzon.”

Sabi nito, ang pagsasara ay dahil sa lockdown na ginagawa para maawat ang pagkalat ng COVID-19.

“In the interest of public health and safety and pursuant to the Enhanced Community Quarantine being implemented in Luzon,” sabi pa nito.

Hindi malinaw kung paano pa makukuha ng mga pensioner ang kanilang pera o kung paano makakautang ang mga mawawalan ng trabaho ngayong nagtatanggalan na ng tauhan ang ibang mga kompanya dahil sa pagkalugi.

At hindi rin malinaw kung paano makaka-claim ng health benefits ang sinumang mahahawa sa COVID-19.

“We will make further announcements regarding our operations today in light of the recent developments,” sabi nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?