159

Jul 30, 2019 @ 22:42
By

SSS, nag-isyu ng show cause order sa 43 delinquent employer

Pinagpapaliwanag ng Social Security System (SSS) ang 43 delinquent employer mula sa Quezon City, La Union, Tacloban at Davao del Sur kung bakit hindi sila dapat parusahan sa paglabag sa Social Security Act of 2018.

Ayon sa SSS, hindi pag-remit ng contributions ng mga manggagawa at hindi pagrerehistro sa SSS ang ilan lamang sa mga paglabag ng employers na ito. Ang iba naman ay walang maipakitang employment records.

Sabi ng SSS, isinagawa nito ang pang-apat na bugso ng kanilang Run After Contribution Evaders (RACE) campaign nitong Hulyo 25.

Sa 43, 15 ang delinquent employer sa Novaliches; 14 ang sa Digos, Davao del Sur; siyam sa San Fernando, La Union; at Lima ang sa Tacloban, Leyte.

Binibigyan ng SSS ng 15 araw ang mga employers na hinainan ng show cause order para magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat kasuhan.

Pagkakakulong ng hanggang 12 taon at multang hanggang P20,000 ang mga parusa sa employers na lumalabag sa Social Security Act of 2018.

Kasalukuyang may contribution penalty condonation program ang SSS kung saan maaring bayaran ng mga employer ang hindi nai-remit na SSS premium nang walang penalty.

Maaari ring bayaran nang installment ang mga kakulangan bayad ng employers na sumasailalim sa programa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?