175
sss
By

SSS members puwede nang makatanggap ng ‘unemployment benefits’

issa

Inihayag ni Social Security System (SSS) president at chief executive officer Aurora Ignacio na maaari nang mag-apply ng “unemployment” o “involuntary separation benefit” ang mga miyembro ng ahensiya.

Ang unemployment beneift ay isa sa mga bagong probisyon sa ilalim ng Batas Republika 11199 o ang Social Security Act of 2018 at ang ikapitong benepisyo ng SSS.

Maaaring mabigyan ang miyembrong mag-a-apply nito ng cash benefit sa loob ng dalawang buwan at katumbas ng kalahati ng kanilang average monthly salary credit.

Ayon kay Ignacio, sa pamamagitan ng bagong benepisyong ito, ang mga empleyado na miyembro ng SSS, kabilang na ang mga kasambahay at overseas Filipino workers (OFWs), ay mabibigyan ng karagdagang social security protection.

“Nilalayon ng unemployment insurance o involuntary separation benefit na makapagbigay sa miyembro ng SSS na ‘di inaasahang nawalan ng trabaho ng pansamantalang mapagkukunan ng kita upang masuportahan ang kanilang sarili at kanilang mga pamilya,” sabi ni Ignacio.

“Halimbawa, ang miyembro na kumikita ng P10,000 kada buwan ay hindi inaasahang nawalan ng trabaho. Mabigyan siya ng tulong pangpinansiyal sa loob ng dalawang buwan. Ang tulong-pinansiyal ay katumbas ng kalahati ng AMSC ng miyembro o sa kanyang kaso ay P5,000 kada buwan o P10,000 para sa dalawang buwan na siya ay walang trabaho,” paliwanag ni Ignacio.

Ayon sa SSS Circular No. 2019-11 na inilabas ngayong buwan, upang maging kuwalipikado sa benepisyong ito, kinakailangan na ang covered employee ay hindi lalagpas sa 60 taong gulang sa panahon na siya ay hindi inaasahang nawalan ng trabaho.

Para naman sa underground at surface mineworker at racehorse jockey members ay hindi dapat higit sa 50 at 55 taong gulang, ayon sa pagkakabanggit.

Nasasaklaw ng benepisyong ito ang pagkawala ng trabaho simula noong Marso 5, 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?