51
P62B naipamudmod ng SSS sa 2.5M pensyonado
By

SSS maninindigan sa mandatory contribution ng OFWs

Inihayag ng pamunuan ng Social Security System (SSS) na kailangan nitong ipatupad ang Batas Republika 11199 o ang Social Security Act of 2018 hangga’t hindi ito napapawalang-bisa.

Kasabay ng paghimok na kailangang mag-ipon sa ahensiya ang mga overseas Filipino workers (OFWs) upang mapakinabangan ang pitong benepisyo sa panahon ng pangangailangan.

Sinabi ng SSS na maninindigan ang ahensya sa desisyon ng mga mambabatas na makapagbigay ng makabuluhang social protection sa lahat ng Filipino na nakabase dito at sa ibayong-dagat.

Binigyang-diin ng ahensya na ang Joint Committee sa ilalim ng Batas Republika 11199 na siyang naatasan na magpatupad ng probisyon ng mandatory coverage ng mga OFW na binubuo ng SSS, Department of Foreign Affairs, Department of Labor and Employment ay may mga isinasagawang pagpupulong para ipatupad ang batas.

Isasaalang-alang ng mga ito ang mga alalahanin sa mandatory coverage ng OFWs ngunit binigyang-diin na tungkulin nitong ipatupad ang batas na magsusulong sa kapakanan ng mga nagtatrabaho sa ibang bansa.

Batay sa datos ng SSS, simula Enero hanggang Hunyo 2019, umabot lamang sa 534,699 ang OFWs na regular na nagbabayad ng kontribusyon sa SSS samantalang nasa 2.3 milyong OFWs ang nasa ibang bansa mula Abril hanggang Setyembre 2018, ayon sa record ng Philippine Statistics Authority.

Noong 2018, nakapagbigay ang SSS ng humigit-kumulang sa P4.23 bilyong halaga ng benepisyo sa mahigit na 61,406 land-based OFW-members.

Sa ilalim ng bagong batas, maaaring makakuha ang OFWs ng pitong benepisyo ng SSS sa oras ng pagkakasakit, panganganak, pagkabalda, pagkatanggal sa trabaho, pagreretiro, pagpapalibing at pagkamatay o survivor pension.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?