292

Apr 15, 2020 @ 20:56
By

SSS maglulunsad ng COVID-19 calamity loan program

Para matulungan ang mga miyembrong apektado ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic, nag-alok ang Social Security System (SSS) ng calamity loan sa mga ito.

Ayon kay SSS vice president for public affairs and special events Fernando F. Nicolas, maaaring mangutang ng P20,000 o katumbas ng isang buwang salary credit ang bawat miyembro nila sa ilulunsad nilang nationwide calamity loan program sa Abril 24.

Dahil naman sa mga restriction sa enhanced community quarantine, sinabi ni Nicolas na maaaring maghain ng loan application ang mga miyembro sa SSS website o mobile app.

Kapag naaprubahan ay ipapadala ang loan sa enrolled bank account ng kanilang miyembro.

Maaaring bayaran ang loan sa loob ng 27 na buwan, na magsisimula sa ikaapat na buwan mula sa petsa ng loan approval.

May charged ang loan ng 10 porsiyentong interest kada taon pero wala nang 1 percent service fee.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?