88

By

SSS kamot-ulo sa 100 days maternity leave

Sharing is caring!

Napaigtad ang Social Security System (SSS) sa isinusulong na pagpapalawig ng maternity leave sa mga babaeng manggagawa sa bansa.

Ayon kay SSS President Emmanuel Dooc hindi malinaw sa mga panukala kung saan huhugutin ang pondo para sa ibibigay na karagdagang benepisyo sa kababaihan.

Aniya kapag pinalawig sa 100 araw ang paid maternity leave mula sa kasalukuyang 60 araw, kailangan na dumukot sila ng P4 bilyon kada taon.

Aniya malaki ang magiging epekto nito sa kanilang pondo kaya’t dapat ay maging bukas din ang mga nagsusulong ng dagdag benepisyo na taasan ang kontribusyon ng kanilang mga miyembro.

Paliwanag nito kapag walang dagdag sa kontribusyon posibleng humirit sila ng subsidiya mula sa gobyerno.

Sakop ng mga panukala ang mga buntis o manganganak na manggagawa kasal man sila o hindi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?