130

Oct 31, 2017 @ 11:49

SSS ginagawang gatasan ng mga opisyal

Pinakikilos ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang liderato ng Social Security System (SSS) para agad i-freeze ang lahat ng bank at financial accounts gayundin ang stocks ng apat na opisyal na ginawang gatasan ang ahensya.

Ayon kay Zarate, hindi lang dapat kasuhan ang SSS executive vice president for investments na si Rizaldy Capulong at 3 iba pang opisyal.

Kailangan anyang ma-freeze ang accounts ng mga ito at mabawi ang  kanilang stocks at assets para maidagdag sa pondo ng SSS.

“Do not just file charges and prosecute these people, SSS must move to immediately freeze all banks/financial accounts and sequester stocks and assets and its proceeds in favor of the SSS fund,” sabi ni Zarate.

Batay sa ulat, kinasuhan ni SSS commissioner Jose Garbiel La Viña sina Capulong dahil sa serious dishonesty at grave misconduct.

Inakusahan ito ni La Viña na umano’y ginamit ang posisyon para iligal na kumita sa pamamagitan nang paggamit ng sariling stocks gamit ang stockbrokers na namamahala sa portfolio ng pension fund ng SSS.

Bukod kay Capulong, dawit rin sa reklamo sina equities investment division chief Reginald Candelaria, equities product development head Ernesto Francisco Jr. at chief actuary George Ongkeko Jr.

Kasabay nito’y iginiit ni Zarate na lalong walang basehan para maningil ng dagdag na kontribusyon sa mga miyembro ng SSS.

“This is truly infuriating considering that those in charge of increasing and improving the members’ fund life through prudent and high-return investments are instead the ones sabotaging it the members’ fund.  It’s just criminally shameless for these people to even push for a contribution increase,” diin ng kongresista. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?