32

By

SRP sa mga palengke, palabas lang – Gabriela

Hindi bilib si Gabriela partylist Rep. Emmi de Jesus sa price monitoring ng gobyerno sa mga pamilihan.

Ayon kay De Jesus, palabas lamang ang istriktong pagpapatupad ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng Department of Agriculture (DA) ng Suggested Retail Price (SRP) sa bigas at iba pang pangunahing bilihin.

Gusto lamang aniyang ipakita ng gobyerno na may ginagawa ito sa gitna ng mga reklamo sa mataas na presyo ng mga bilihin dulot ng TRAIN Law.

Katuwiran ng kongresista, balewala naman ang SRP dahil hindi nito mapapababa ang presyo.

Para kay De Jesus, PR stunt lamang ang SRP para pagtakpan ang patuloy na pagtanggi na ibasura ang TRAIN Law at dagdagan ang sahod ng manggagawa.

Ipinapasa aniya ng gobyerno ang sisi sa maliliit na negosyante gayong kahit ang mga ito ay apektado ng tax reform.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?