8

By

SRP sa mga bilihin expired na pero epektibo pa – DTI

Sharing is caring!

Hanggang noong katapusan lang ng Nobyembre ang bisa ng suggested retail prices (SRP) sa mga pangunahing bilihin na itinakda noong Setyembre.

Ngunit sinabi ni Trade Usec. Ruth Castelo, epektibo pa rin ang SRPs hanggang hindi nakakapagpalabas ng panibagong SRPs.

Aniya, sa mga susunod na araw ay magpapalabas sila ng bagong SRPs para sa tinatawag na basic needs and prime commodities o BNPCs.

Nagpahiwatig ang opisyal na maaaring bumaba ang ilan sa SRPs bunga ng walong sunod na linggo na pagbaba ng halaga ng mga produktong-petrolyo.

Kasabay nito, sinabi ni Castelo na ilan sa mga Noche Buena items ay nagtaas ang presyo at hindi pare-pareho ang nadagdag sa halaga.

Ang naidagdag sa halaga ay mula 25 sentimos hanggang sa P19.

Samantala, 33 porsiyento sa mga Noche Buena goods naman ay hindi nagbago ang presyo at may ilan na bumaba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?