srp
By

SRP sa bigas, manok, gulay pinag-aaralan na

Sharing is caring!

Gumulong na ang plano na magpatupad na rin ng Suggested Retail Price (SRP) sa ilang pang binibiling pangunahing pagkain ng mga Filipino.

Sinabi ni Agriculture Sec. Manny Piñol, posibleng magkaroon na rin ng SRP sa manok, gulay, isda at bigas.

Gagawin nila ito aniya para protektahan ang mga konsyumer sa hindi makatuwirang pagtaas ng presyo ng mga nabanggit na bilihin.

Pinag-aaralan na umano ng isang technical working group (TWG) ang halaga ng produksyon at pagpapakalat ng mga bilihin para magkaroon ng ‘baseline prices’ ang mga ito.

Sa ngayon ang tanging may SRP ay ilang uri ng de-lata, gatas, tinapay, instant noodles, bottled water, toyo, patis, kandila at sabon.

Paalala pa ni Piñol na ang regular rice ay hindi maaaring ibenta ng higit sa P40 kada kilo, samantalang ang well-milled rice at dapat P41 hanggang P42 kada kilo lang ang bentahan.

Nabuo ang pagtatakda ng SRP sa bigas nang magsagawa ng inspeksyon si Piñol kasama si Trade Sec. Ramon Lopez at napansin nila ang magkakaibang presyo sa iisang uri ng bigas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?