478
cybersex1
By

Sri Lankan arestado matapos gawing cybersex slave ang misis na Pinay

Nadakip ang isang dayuhan matapos nitong gamitin sa cybersex ang asawa niyang Filipina sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Ayon sa ulat, nahuli ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation ang suspek sa kanyang bahay matapos humingi ng tulong ang biktima.

Pinipilit umano ng suspek ang biktima na makipag-sex sa kanya nang naka-livestream na pinapanood ng mga kliyente ng una, sa loob ng pitong buwan.

Kapag umano tumatanggi ang babae sa pinapagawa sa kanya ay sinasaktan ito ng suspek.

Nagdesisyon na ang biktima na magsumbong sa NBI matapos simulan nang molestiyahin ng Sri Lankan ang anak niya sa dating karelasyon.

Mahaharap ang suspek sa paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, Anti-Violence Against Women and Children Act of 2004 at Cybercrime Prevention Act of 2012.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?