20

Sri Lanka president bibisita sa Pinas – DFA

Nakatakdang bumisita sa bansa si Sri Lanka President Maithripala Sirisena sa imbitasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), magkakaroon ng state visit mula Enero 15-19 ang Sri Lankan leader.

Magdadaos umano si Sirisena ng bilateral discussions sa Pangulo.

Kabilang sa itineraryo ng Sri Lanka president ang pagtungo sa Asian Development Bank sa Manila at sa International Rice Research Institute sa Los Baños. (PNA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?