55

Mar 6, 2018 @ 20:44

Sri Lanka nagdeklara ng state of emergency

Idineklara na sa Sri Lanka ang state of emergency sa gitna ng mga anti-Muslim attacks na maaring lumaganap sa bansa.

Sa Twitter account ng tangapan ni Sri Lanka President Maithripala Sirisena, layon ng pagdeklara ng state of emergency na makontrol ang sitwasyon na umiiral sa ilang bahagi ng bansa.

Tiniyak ni Sirisena na may sapat na kakayahan ang kanilang security force upang mapigilan ang mga criminal elements at maibalik ang normal na sitwasyon.

Una nang sumalakay ang mga Buddhist mobs sa bayan ng Kandy nitong lunes at sinunog ang 11 Muslim-owned shops at mga bahay.

Batay sa ulat ang pag-atake ng mga Buddhist mobs ay bunsod ng pagkamatay ng isang lalaking Buddhist sa kamay ng mga Muslim.

Hati ang Sri Lanka dahil sa iringan sa pagitan ng majority Sinhalese, na kinabibilangan ng mga Buddhist, at ang minority Tamils na kinabibilangan naman ng mga Hindu, Muslim at Christian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?