37

Nov 24, 2021 @ 13:53
By

S&R nabiktima ng cyber-attack

Maging ang IT system ng supermarket na S&R ay hindi sinanto ng cyber-attack.

Ayon sa anunsyo mula sa pamunuan ng S&R, agad namang kumilos ang kanilang mga tauhan upang magbalik-normal ang takbo ng kanilang sistema.

Sinigurado rin nito sa kanilang mga miyembro na hindi napasok ang kanilang privacy at personal na impormasyon.

“Limited membership data, which are confined to contact information, may have been compromised. However all our members’ credit card and other financial information are safe and secured, as these data are protected by encryption measures as required by regulation,” saad sa statement.

Kinondena rin ng S&R ang nangyaring cyber-attack, na kanila ring ipinagbigay-alam sa National Privacy Commission (NPC).

“Rest assured that we are implementing measures to further reinforce the security of our IT system. If you have any questions or concerns about this matter, you may contact us at membership.snrshopping@gmail.com,” pagtatapos nito. (Mjd)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?