16

Oct 13, 2021 @ 17:47
By

‘Squid Game’ numero uno sa Netflix

Bukod sa pagiging hari ng internet ‘memes’ ay numero uno na rin sa Netflix ang series na ‘Squid Game.’

“Squid Game has officially reached 111 million fans — making it our biggest series launch ever!” saad sa social media account ng Netflix.

Nakamit ng Squid Game ang pagiging hari ng Netflix sa loob lamang ng siyam nitong mga episode.

Ang kwento ay tungkol sa 456 katao na sumali sa isang laro kung saan 45.6 bilyon won ang premyo.

Nguni hindi simpleng laro ang kanilang ipinunta sapagkat buhay nila ang nakataya doon, na nagbigay ng roller-coaster na emosyon sa lahat ng nakapanood.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?