225

Aug 11, 2020 @ 19:45
By

‘Sputnik’ tawag sa kauna-unahang COVID bakuna

‘Wag magulantang kung biglang mag-trending ang salitang ‘Sputnik’ sa mga susunod na araw.

Ito’y matapos na pangalanang Sputnik V ng Russia ang kanilang kauna-unahang rehistradong COVID-19 vaccine, ayon sa isang opisyal ng naturang bansa.

Ang Sputnik ay nagmula sa unang satellite na ginawa ng Russia na nakaikot sa orbit ng Earth, ngunit sa Pilipinas ay kilala itong bansag sa ‘Bahala Na Gang’, isang sikat na criminal group sa bansa.

Ayon kay Russia sovereign wealth fund head Kirill Dmitrieve, umabot na sa 20 bansa ang nag-order ng naturang bakuna.

Nitong Martes ay inanunsyo ni Russia President Vladimir Putin na aprubado na ang kanilang COVID-19 vaccine, na sinubukan mismo sa kanyang anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?