299

Dec 10, 2017 @ 15:58
By

Sputnik gang member nang-holdap para sa gamot ng anak

Mga gamot ng kanyang anak ang idinahilan ng isang miyembro ng Sputnik Gang kayat hinoldap nito ang isang pasahero ng jeep sa Pasay City Sabado ng gabi.

Nang maaresto, inamin naman ni Benjamin Tengco, 40, na siya ang tumangay ng bag ng babaeng pasahero na hindi na pinangalanan ng mga pulis.

Katuwiran ng suspek ang panghoholdap ang naisip niyang paraan para makalikom ng pera para makabili ng gamot ng kanyang anak.

Ayon sa biktima, pauwi na siya mula sa Christmas party at pababa na siya nang sundan siya ni Tengco.

Aniya tinutukan siya ng balisong ng suspek ngunit nakipag agawan pa rin siya pero wala na siyang nagawa kundi humingi ng tulong sa mga barangay tanod sa Aurora Boulevard.

Nabawi naman ang bag ng biktima ngunit wala na ang P3,000 laman nito.

Kasong robbery hold up at illegal possession of deadly weapon ang isasampa laban kay Tengco.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?