149
kawhi2
By

Spurs umamo, Leonard itatapon sa Lakers?

Sharing is caring!

Mukhang napalambot na ng Los Angeles Lakers ang puso ng San Antonio Spurs sa kanilang agresibong panliligaw upang mabingwit si two-time NBA Defensive Player of the Year Kawhi Leonard.

Napabalitang nagbukas muli ang pintuan ng Spurs para sa Lakers makaraang ianunsiyo ng una na wala silang balak makipagnegosasyon sa LA-based squad.

“This is the first contact between the teams since the Spurs ‘shut the door’ on them after an initial call,” base sa report ni ESPN reporter Ramona Shelburne.

Inaaapura na rin ng Lakers ang pagkumbinsi sa Spurs na kanilang magagamit na armas upang masilat si four-time league MVP LeBron James sa Cavaliers na nalalapit na ring ianunsiyo ang balak sa free agency.

Hitik sa bala ang Lakers na maaaring ipalit sina Kyle Kuzma, Brandom Ingram, 2018 1st rounder Mo Wagner at ilan pang future draft picks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?