259

Jan 27, 2020 @ 9:33
By

Spurs, Raptors, Trae Young ginamit ang shot clock para bigyang-pugay si Kobe

24 at 8.

Dalawang numerong tatatak sa bawat NBA fan sa pagpanaw ng Lakers legend na si Kobe Bryant.

At sa laro ng San Antonio Spurs at Toronto Raptors, kanilang pinatunog ang buzzer sa pamamagitan ng 24-shot clock violation para sariwain si ‘Black Mamba’.

Samantala, ganito rin ang ginawa ni Atlanta Hawks sophomore Trae Young.

Nagsuot ng No. 8 jersey, ang unang numero ni Kobe sa NBA, at nang makuha ang tipped ball ay hindi tumawid sa halfcourt para naman sa eight-second violation.

Naka-workout ni Trae si Kobe bago magsimula ang season, kaya naman emosyunal ito na lumapit sa kanyang ina bago magsimula ang kanilang laro matapos ang balitang pagpanaw ni Bryant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?