17

Jan 18, 2020 @ 17:53
By

Spurs pinarangalan si Carter

Sa loob ng 22 seasons, nakipagbalugbugan ang San Antonio Spurs kay Vince Carter saan man siya mapuntang team.

Pagkatapos ng 2019-20, nagpahayag si Carter na isasabit na niya ang kanyang jersey.

Kaya nitong Biyernes sa huling regular season game ni Carter sa AT&T Center bilang miyembro ng Atlanta, binigyan siya ng video tribute ng Spurs.

Tumagal ng 1 ½ minutes ang video, sinundan ng mainit na ovation ng crowd. Kasama sa video ang fallaway 3-pointer ni Carter para sa Dallas sa Game 3 sa first round ng 2014 playoffs. Nanalo ang Spurs sa series sa pitong laro tungo sa pagsikwat ng panlimang NBA title.

Pagkatapos ng emosyonal na video, umiskor si Trae Young ng 31 at nag-rally ang Atlanta mula 14-point deficit sa fourth para gulantangin ang Spurs 121-120.

Nagbaon ng 3 si Kevin Huerter mula left corner 6.3 seconds na lang para kumpletuhin ang rally.

Bago naubos ang oras, inatake ni DeMar DeRozan ang tatlong Hawks na nasa harapan at bumitaw ng runner pero kumalabog sa backboard at rim ang bola bago tumunog ang final buzzer bago nahablot ang rebound.

Unang panalo ‘yun ng Atlanta sa San Antonio sapul nang hagupitin ang Spurs 109-89 noong Feb. 15, 1997.

Tumapos si Hawks rookie Cam Reddish ng 22 points, may tig-18 sina Huerter at John Collins. Nagsumite si Carter ng 14 points.

Binitbit ng 30 points ni LaMarcus Aldridge ang Spurs, may 24 si DeRozan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?