45
rody-gay
Apr 10, 2018 @ 13:12

Spurs pasok na sa playoffs matapos padapain ang Kings

Nagbuslo si Rudy Gay ng 18 puntos, 17 kay Manu Ginobili at humabol ang San Antonio Spurs para itakas ang panalo kontra Sacramento Kings 98-85 at makuha ang kanilang 21 sunod na postseason appearance.

Lamang ang Sacramento ng 14 puntos bago nalamangan sa puntusan ng Spurs sa fourth quarter, 38-19.

Nagkamada ang reserves na sina Gay, Ginobili at Bryan Forbes ng pinagsamang 25 puntos sa fourth quarter. Tumapos ng 11 puntos si Forbes.

Namuno para sa King si Willie Cauley-Stein sa kanyang 25 puntos at 10 rebounds. May 21 si De’Aaron Fox at 17 si Buddy Hield.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?