13

Spurs nilubog sa 14-losing streak ang Grizzlies

May ibubuga pa si veterean Tony Parker nang magsalansan ng season-high 23 points para ilubog ng San Antonio ang Memphis Grizzlies, 100-98, sa AT&T Center sa San Antonio, Texas nitong Lunes (Martes, oras sa Pinas).

Nakakuha rin ng puwersa ang Spurs sa bench nila na nakagawa ng kabuuang 67 points, kabilang na ang 17 ni Davis Bertans at 15 points ni Danny Green.

Tinapos ng San Antonio ang dalawang sunod na talo nila, habang nilubog sa 14-losing streak ang Memphis.

Bumalik naman sa hanay ng Spurs si LaMarcus Aldridge matapos hindi makalaro dahil sa pilay sa kanang bukung-bukong. Nagbigay ito ng pitong puntos at walong rebounds para sa San Antonio.

Sunod na makakaharap ng Spurs ang Golden State habang susubukan nang putulin ng Grizzlies ang sunud-sunod na pagkatalo sa pagharap sa Chicago Bulls.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?