39

Nov 18, 2021 @ 14:05
By

Spox: Marcos Jr. may 7 araw pa para sagutin petisyon

Nilinaw ng kampo ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na binigyan pa sila ng Commission on Elections (Comelec) ng pito pang mga araw para sagutin ang tatlong petisyong inihain laban sa kandidatura ni Marcos.

“Comelec granted us an extension to reply to the petition. We were given seven days from yesterday,” saad ng tagapagsalita ni Marcos na si Vic Rodriguez sa panayam ng CNN.

Sa panig naman ng Comelec, sinabi nito na magsasagawa sila ng press conference upang sagutin ang mga tanong kaugnay ng mga petisyon laban kay Marcos.

Ang mga petisyon ay inihain laban kay Marcos dahil umano sa conviction nito ng paglabag sa Tax Code.

Dahil convicted, nakasaad umano sa batas na hindi na makakatakbo sa ano mang pwesto sa gobyerno ang may nilabag sa Tax Code. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?