22

Sep 9, 2021 @ 19:39
By

Sports ng babae sa Afghanistan ekis sa Taliban

Sa pamamayagpag ng grupong Taliban sa pamunuan ng bansang Afghanistan ay tigil na ang ligaya ng mga babaeng Afghan pagdating sa pakikilahok sa sports.

Ayon sa ulat, inanunsyo ni Ahmadullah Wasiq, deputy head ng cultural commission ng Taliban, na hindi akma o kailangan sa mga babae ang makilahok sa sports.

Isa sa mga maapektuhan ang women’s national team ng Afghanistan sa cricket.

“I don’t think women will be allowed to play cricket because it is not necessary that women should play cricket,” pahayag ni Wasiq. “In cricket, they might face a situation where their face and body will not be covered. Islam does not allow women to be seen like this.

“It is the media era, and there will be photos and videos, and then people watch it. Islam and the Islamic Emirate [Afghanistan] do not allow women to play cricket or play the kind of sports where they get exposed,” dagdag pa nito.

Naangkin ng Taliban ang pamumuno sa Afghanistan noong nakaraang buwan kasabay sa pag-alis ng pwersa ng US sa naturang bansa.

Kilala ang grupo sa pagiging marahas sa mga babae at istriktong pagsunod sa Sharia Law.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?