44

May 24, 2020 @ 15:23
By

“Sporting events, ikakasa sa ilalim ng MGCQ”

Posibleng magsagawa ng sporting events sa mga lugar na nasa ilalim ng “Modified General Community Quarantine” o MGCQ.

Pero hindi bibiglain ang pagbabalik dahil ang sporting events ay isang mass gathering na ipinagbabawal pa rin ngayong quarantine period.

Nakasaad ito sa revised omnibus guidelines sa implementasyon ng community quarantine na inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) nakaraan.

“Mass gatherings such as but not limited to movie screenings, concerts, sporting events, and other entertainment activities, community assemblies, and non-essential work gatherings shall be allowed (in MGCQ),” nakasulat sa memo.

Subalit kailangan ay 50% ng seating capacity ang puwede lang okupahan ng mga manonood para maipatupad pa rin ang Social Distancing.

Pinapayagan naman sa lugar na sumasailalim sa MGCQ ang indoor at outdoor non-contact sports at mga ehersisyo tulad ng walking, jogging, running at biking pero kailangan may face mask at sumusunod sa physical distancing protocols.

Ang mga non-contact sports na pinapayagan ay ang golf, tennis, swimming, badminton, equestrian, at skateboarding.

Puwede rin magsagawa ng exercises at non-contact sports sa mga lugar nasa ilalim ng GCQ.

Nakaraan lamang ay nagpasa ang Philippine Sports Commission ng rekomendasyon sa IATF at sa Department of Health kung anong sports activities ang puwedeng isagawa sa lugar na ipinatutupad ang magkaibang kategorya ng lockdown.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?