77

By

Spoof ng ‘Kap’s Amazing Stories’ ni Revilla usap-usapan sa social media

Sharing is caring!

Isang post sa social media ang naging usap-usapan matapos ma-acquit si dating senador Bong Revilla mula sa kasong plunder.

Ang naturang post na ginawa ng isang parody social media page ay spoof ng dating tv show ni former Senator Bong Revilla na Kap’s Amazing Stories.

Nakasulat sa caption ng naturang post: “Na-miss niyo ba ‘to? Magbabalik na ang Kap’s Amazing Stories sa TV, featuring 16 million ways to get away with plunder!”
Ginawa ang naturang post matapos mapawalang-bisa ng Sandiganbayan ang kasong plunder ni Revilla.

Umani ang naturang spoof ng maraming komento mula sa mga netizens.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?