134

Nov 26, 2021 @ 18:28
By

Spokesperson ni Mayor Sara lumipat sa Lakas-CMD

Nanumpa si Liloan, Cebu Mayor Christina Garcia-Frasco bilang miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) ngayong Biyernes.

Si Frasco ay nanumpa bilang miyembro ng partido kay Davao City Mayor Sara Duterte Carpio, chairperson ng Lakas-CMD at House Majority Leader at Lakas-CMD president Ferdinand Martin Romualdez sa Ching Palace Restaurant, Cebu City.

Si Frasco, anak ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia, ay nagsisilbi ring spokesperson ni Carpio.

Siya ay asawa ni Cebu Rep. Duke Frasco.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?