28

Aug 13, 2020 @ 17:34
By

SPMC minaliit: Maria Ressa kuyog sa mga netizen

Binatikos online si Rappler CEO Maria Ressa nang kuwestiyunin ang pagkakatanggap ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) ng mas malaking disbursement mula sa PhilHealth kumpara sa Philippine General Hospital (PGH).

Hindi rin natuwa ang ilan sa pagtawag niya sa SPMC bilang isang “Davao hospital”.

Agosto 12 nang mag-tweet si Ressa ng: “Seriously? A Davao hospital receives more than PGH?”

Nakatanggap ang SPMC, na nasa Davao City, ng P326 milyon habang ang PGH ay P263 milyon mula sa Interim Reimbursement Mechanism (IRM) ng PhilHealth.

Giit ng mga netizen, walang masama kung nakakuha ng mas malaking bahagi ng IRM ang SPMC dahil ito ang pinakamalaking government-run hospital sa bansa, ayon sa Department of Health.

Desperadong hakbang lang daw ito ni Ressa para maikonek si Pangulong Rodrigo Duterte sa korapsyon sa PhilHealth dahil ang Davao ay hometown ng huli.

Nag-trending sa Twitter si Maria Ressa nitong August 13.

“Idiota Ressa. SPMC IS THE largest hospital in the country. Add to it its cancer center heart center and kidney institute. Plus the whole of mindanao is catered by this hospital. Patients as far as the visayas go to this hospital because of its good doctors and consultants…” comment ni @iagenato.

“Mindanao health care facilities have been neglected for decades, SPMC cater the entire island of Mindanao not just Davao City,obviously Maria Ressa’s article was malicious and misleading, Another example of fake news,” sey ni @MiguelMalvar7.

“After being caught flat-footed of her lies and her desperate attempts to connect President Duterte to the PhilHealth corruption by maligning SPMC, Maria Ressa back-tracked and is now saying that it was never about the hospital. Bwahahahahaha! Liar! Tse!” reaksyon ni @reyna_elena.

“SPMC was given the biggest share not only because it is one of the biggest hospitals but because when you look at the records, they have claimed more cases than others,” sabi naman ni tweetie mori.

Ani @bwesittt, “Can we agree to make maria ressa persona non grata in the mindanao?”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?