116
arwind-santos
By

‘Spidey dunk’ ni Santos binawalan dahil maangas? PBA sumagot

Nitong linggo ay naglabas ng bagong patakaran ang PBA na magmumulta ang sino mang susubok na lumambitin sa ring matapos ay itatapak ang paa sa board.

Hati ang naging tingin ng mga PBA fan maging ang mga player ukol sa bagong rule ng liga, ang iba ay pabor na bawalan na ang court antic na ito, na pinauso ni Arwind Santos ng San Miguel Beer,

Samantalang ang kanyang mga kampi naman tulad nina Alex Cabagnot, Christian Standhardinger at Chris Ross ay tila nagpapahiwatig na kanilang mami-miss ang tinaguriang ‘Spider-Man dunk’.

Ngunit bakit nga ba paparusahan na ang signature move na nagpapa-excite sa mga fan?

Tingin ng iba, masyado umano itong maangas o ‘di nakakarespeto kapag ginawa sa kalaban kaya’t ipinagbawal ng liga.

Ngunit ayon sa report ng Spin.ph, hindi dahil sa pagiging maangas ng court antic ang naging dahilan ng multa dito.

Pakli ni PBA Commissioner Willie Marcial, marami na umano ang gumagaya sa naturang gawi kaya bago pa may maaksidente ay binakuran na ng liga.

“Delikado, so bago pa may masaktan, pinatigil na natin,” pakli ni Marcial.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?