16

Sep 3, 2020 @ 9:55
By

Spiderman sumakay ng tren

Good vibes ang hatid ng isang pasahero ng LRT-2 na nakasuot ng improvised face shield na may disenyo ng Spiderman mask.

Ang creative na commuter noong Setyembre 2 ay nakunan ng larawan at video ni Mark Anthony Bonita, isang health worker sa isang pribadong ospital.

Gawa aniya ang face shield sa plastic bottle na pininturahan para maging mask ng iconic fictional superhero.

“Tinanong ko siya kung bakit niya ginaya ‘yun. Sabi niya, ‘Gusto ko lang magbigay ng good vibes sa mga tao’,” sambit ni Bonita sa isang ulat.

“Natuwa ako sa ginawa niya,” aniya pa.

https://www.facebook.com/markanthony.bonita.90/posts/1350177738518882?__tn__=-R
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?