107

Nov 26, 2017 @ 17:03
By

‘Spiderman’ nalambat sa QC

Naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang itinuturong ‘notorius’ na miyembro ng Akyat bahay gang na tinaguriang ‘spiderman’ sa Bago Bantay, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Chief Supt. Guillermo Eleazar, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek na si Jonathan Adrales alyas “Otang”, 25 taong gulang, walang tiyak na tirahan.

Inaresto si Adrales, dakong alas-1:30 ng madaling araw dahil sa sumbong sa mga pulis ng isang residente ng Bago Bantay na sinasabing biniktima nito.

Ayon sa biktima na humiling na huwag ng ihayag ang kanyang pangalan, umakyat sa kanilang bahay ang suspek at ninakaw ang tinatayang nasa 150,000 halaga ng pera, gadgets tulad ng cellphone, relo at mga alahas.

Sa pagkakadakip ng suspek ay agad naman nitong inamin ang kanyang kasalanan at sinabing nagawa lamang nitong magnakaw sa hirap ng buhay.

Nakakulong ngayon ang suspek sa Quezon City detention cell habang inihahanda ang kasong robbery laban sa kanya (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?