109

By

Spiderman kakastiguhin ng PBA

Kasong alarm and scandal at unjust vexation ang posibleng isampang kaso ng PBA sa lalaking nambulabog bago natapos ang Game 5 ng Philippine Cup Finals Biyernes ng gabi.
Ayon kay Commissioner Willie Marcial, inabisuhan na niya si PBA legal counsel Atty. Melvin Mendoza na hainan ng kaso ang intruder.
Paraan na rin ito para hindi tularan ang eksenador. Sa 44 na taon ng liga, ngayon lang nangyaring may manonood na nag-sprint sa court habang nasa kasagsagan ng laro.
“Mahirap kung wala tayong gawin na mabigat na aksiyon,” paliwanag ni Marcial. “Sigurado mauulit ‘yan kapag nakita nila na pinabayaan lang ng PBA ‘to.”
Sa mga report, kinilala na ang lalaking naka-Spider-Man costume na si Paolo Felizarta na dinala sa QCPD Station 7 pagkatapos ng nangyari.
“We don’t tolerate such acts,” diin ni Marcial.
Kumpleto ang costume na tumakbo sa court ng Smart Araneta Coliseum ang lalaki, itinaas ang dalang placard na may sulat na ‘Vote Love.’
Hindi nakita ni June Mar Farado ang parating na lalaki, nasalpok sa panga. Napaupo ang 6-foot-10 center ng San Miguel Beer, halatang nahilo.
Sinabi ng intruder na wala siyang intensiyon na manakit, nanlabo lang daw ang paningin sa costume.
“Sabihin na natin good intention,” sabi pa ni Marcial, “pero bad execution.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?