4
views
horse1
By

Spicy Time, 2 pa patok sa Sta. Ana

Sharing is caring!

Tatlong kabayo ang inaasahang makakapuntos sa Biyernes sa Santa Ana Park.

Una si Spicy Time na papatungan ni Her R. Dilema. Kagagaling lang nito sa isang magandang panalo, pero si Ryan A. Base ang nagpanalo sa kanya.

Itong si Sheer na tatakbo sa ikalawang karera ay sinisilip rin na iiskor ngayon.

Galing rin siya sa isang mahusay na panalo at ang dati rin niyang hineteng si E.G.Guerra ang gagabay sa kanya.

At ikatlo na inaasahang mananalo ay itong si Wannabe na papatnubayan ngayon ni Jonathan V. Ponce sa huling karera. Nabitin siya nitong nakaraang takbo niya at nasegundo lang siya kay Most Trusted.

Sinisilip rin itong si Sikat na isang stakes campaigner at nasa grupo ngayon ni Wannabe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?