136

Mar 23, 2019 @ 15:19
By ,

Spence panay ang kahol, ayaw tantanan si Pacquiao

Matapos madepensahan ang kanyang International Boxing Federation (IBF) 147-lb title kamakailan, muli na namang nagpahayag ng kagustuhan si Errol Spence, Jr. na makaharap sa lona si World Boxing Association (WBA) welterweight regular champion Manny ‘The Pacman’ Pacquiao.

Sa panayam ng programang Undisputed ng Fox Sports, sinabi ni Spence, matapos ang 12-round unanimous decision na panalo nito kontra Mikey Garcia, ang kanyang pagnanais na makaharap si Pacquiao.

“I feel like he is a great fighter, it’s going to be competitive because Pacquiao has heart, he is a warrior, he is a guy that’s going to give it his all and he’s not scared of anyone; it’s going to be a tough fight he is not just going to lay down,” sabi ni Spence.

Sinabi ni Spence, 29, na kahit na mas matanda at isang alamat na sa boxing si Pacman ay niya ito uurungan.

Ngayon ay naghahanda na si Spence sa maari niyang na sunod na makalaban, pwedeng kontra Pacquiao, sa harap ng libo-libong tagahanga sa AT&T Stadium.

Sa panig ni ‘Pacman’ wala pa rin itong mapipiling sunod na makakalaban bagama’t muling umugong kamakailan ang rematch nila ni Floyd Mayweather, Jr. nang muli silang mag-krus sa laban nina Spence at Garcia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?