10

Jul 21, 2021 @ 15:15
By

Spence: Pacquiao matik retire matapos ang laban

Kumpiyansa si Errol Spence Jr. na kanyang pagpapahingahin sa boksing si eight division world champion Manny Pacquiao.

“I think he’ll definitely retire after this fight,” sambit ni Spence nang ma-interview sa Showtime.

Sambit pa ni Spence, dapat abangan ng mga boxing fan kung kanya bang mana-knockout sa ring ang ‘Pambansang Kamao’.

“I don’t know, we’ll see. You have to tune in,” ayon pa sa undefeated boxer.

Sa Agosto nakatakdang magharap sina Spence at Pacquiao, magiging comeback fight ito ng fighting senator makalipas ang dalawang taon buhat noong manalo kontra Keith Thurman taong 2019.

Ito naman ang ikalawang laban ni Spence matapos siyang madisgrasya sa car crash noong 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?