227

Sep 25, 2019 @ 15:26
By

Spence manok ni Pacquiao vs Porter

Mainit ang isyu ngayon sa mga batikan at sikat na boksingero sa nakatakdang suntukan nina Errol Spence at Shawn Porter ngayong Linggo [Manila Time] na gaganapin sa Los Angeles, California.

Kanya-kanyang prediksyon ang mga professional boxer at isa na dito ang Pinoy ring icon na si Senator Manny Pacquiao.

Ayon sa ‘Pambansang Kamao’, madadaig ni Spence si Porter sa 12 round ng bakbakan.

“It’s going to be a good fight, a close fight, but I think Spence will win. It’s not gonna be one-sided fight, it’s gonna be a competitive fight. The fans will be treated to a once-in-a-lifetime experience in this fight.”

Tulad ni fighting senator, sumang-ayon rin ang former unified welterweight world champion Keith Thurman na si Errol rin ang mananalo at pwedeng tumagal ito ng 12 rounds o kaya win by knockout.

“This is two world champion warriors going at it in a great fight. They have a common opponent in Kell Brook, who beat Shawn Porter and was knocked out by Errol Spence.”

Para naman kay Mexican-American pro-boxer Andy Ruiz Jr. ay tiyak na makukuha ni Porter ang panalo dahil kumpiyansa ito at alam niya ang galawan ni Shawn dahil matagal silang nagsama sa training.

“I’ve trained-practically grown up-with Shawn Porter, who has a difficult style. Errol Spence is a great fighter and Shawn’s the underdog, but I was the underdog against Anthony Joshua and we all know what happened there.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?