2

Spell checker software para sa wikang Filipino, ilulunsad

Sharing is caring!

Sa panahon ngayon na digital age na at nawiwili ang mga magulang na turuan ng salitang Inggles ang kanilang mga anak, nakakaligtaan na ang tamang pagbabaybay ng mga wikang Filipino sa mga kabataan.

Dahil dito ay nakatakdang maglunsad ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng spell checker software para maitama ito.

Madalas umanong nakakalimutan ang “u” sa salitang kuwento at “i” sa aksiyon na dalawa lamang sa napakaraming pagkakamali na paulit-ulit ng mga Pinoy.

Kasalukuyan nang inaayos ang spell checker software ng KWF at nagdadagdag pa sila ng mga salita.

Base ito sa serye ng diskusyon na inilunsad ng komisyon para sa standardization ng wikang Filipino kung saan pinakita rin nila sa media ang dine-develop na software na tulad lang ng ginagamit na English spell checker sa mga word processing program.

Inaasahan ng komisyon na mailalabas na ito ngayong taon at maipapalaganap online lalo na sa mga kabataang Filipino na nahuhumaling sa mga gadget. Maaari itong ilabas sa publiko sa Agosto para sa Buwan ng Wika.

Para sa ilang mag-aaral, malaking tulong sa kanila ang spell checker app lalo na ngayong digital age na nauuso ang mga salitang pilit pinaiikli.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?