59
Speedboat ng Abu Sayyaf, narekober sa Sulu
By

Speedboat ng Abu Sayyaf, narekober sa Sulu

Nakumpiska ng mga miyembro ng Philippine Marines ang ginagamit na speedboat ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Banguingui, Sulu.

Pinaniniwalaan namang na-trap na sa Simisa Island ang mga bandidao matapos makuha ng mga militar ang kanilang getaway vehicle.

Isang sundalo ang nasawi sa bakbakan habang hindi pa batid ang namatay sa panig ng ASG.

Maliban sa speedboat, nakakuha rin ang mga sundalo ng rifle magazines, mga bala at mga dokumento.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?