45

Speech ni Pacquaio sa Oxford inalala ang panahon na ‘tubig-tubig lang’

Sharing is caring!

Nagbigay ng talumpati si WBA welterweight champion at Senador Manny Pacquiao sa Oxford Union, prestihiyosong debating society ng nabanggit na unibersidad at naging laman nito ang naranasan niyang paghihirap bago naabot ang tagumpay.

Sinabi pa ng senador na kahit nakalaban na niya ang mga best fighter sa mundo, natakot itong humarap sa manonood, lalo pa aniya ay mabibigat na personalidad ang mga naunang inimbitahan ng nasabing unibersidad para maging panauhin.

Dagdag pa ni Pacquaio, naglakas siya ng loob na humarap sa mga manonood na armado ng “equivalent of a sixth form education, an undisguised respect for what your group and your university represent and a pretty fair left hook”

Kung tale of tape nga aniya ang kanyang edukasyon ay masasabing underdog ito.

Ngunit sa naging laman ng talumpati ng senador, kinuwento nito kung paano niya pinahalagahan ang pagkakaroon ng kaalaman kahit pa salat sila sa pera noon.

“We were dirt poor. I had to work since the age of five, to help my mother feed my three siblings and me. Many days, I was lucky to have one full meal. On days when we had no food, I would drink lots of water just to fill my stomach. But my mind and spirit were never hungry,” sabi ni Pacquiao sa kanyang talumpati.

Dinagdag nito na binabasa niya anuman ang kanyang mahawakan, kahit pa ang dyaryo na pinambalot sa baon niyang pagkain. Natuto rin umano ang senador ng pagsusukat at pagtimbang sa pagbabasa ng mga singil at taripa sa pinagtrabahuan nitong warehouse bilang kargador.

Inugnay ni Pacquaio ang naranasan niyang kahirapan patungo sa pagiging world boxing champion sa kanyang pagiging senador. Aniya, walang makakaramdam sa kinakaharap na kahirapan ng mga Pilipino kundi siya na nilabanan ang kamangmangan.

“In crafting effective laws, there is no better guide than the pulse of the masses,” sabi pa ng senador.

Aniya pa, wala man siyang pinansiyal na kakahayan o impluwensya mayroon naman itong pilosopiya na nakaugat sa personal na karanasan at pahihirap na siya ring nararanasan ng mga Pilipino.

“I am a fighter not just because it is my profession. I was a fighter long before I first set foot in a boxing ring. All my life, I have fought to live. Every single day in my youth, I fought for survival,” ayon pa kay Pacquaio.

Sinabi ni Pacquaio na ang kwento ng kanyang buhay ay nagpapatunay na nagkakatotoo ang mga pangarap.

“Being poor does not mean one must die poor,” ani pa ni Pacquaio. Diniin nito na kailangan lamang ng sipag at tiyaga upang makalaya sa kahirapan.

Sinabi din ni Pacquiao na ang kanyang karanasan at pagkatuto ay tinatawag niyang Open University of Life.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }