106

By

Speech ni Lacson sa patuloy na korapsyon sa Customs, may basehan – Lapeña

Tinukuran ni dating Customs Commissioner Isidro Lapeña ang pagsisiwalat ni Senador Panfilo Lacson tungkol sa nagpapatuloy na corruption sa Bureau of Customs (BOC).

Aniya, may basehan umano ang mga sinabi ng senador.

“‘Yung privilege speech ni Senator Lacson, I would say, has basis, ‘yung sinabi niya. Kung anong tanong mo ay ga’no kahirap ‘yung situation, I would say na mahirap ‘yung situation doon but it is something that can be addressed, puwede pa ring ma-reform,” aniya.

Magugunitang noong nakaraang linggo ibinunyag ni Lacson na napag-alaman niyang hindi pa rin nalulusaw ang “tara system” sa Customs kung saan isiniwalat niya ang mga opisyal na sangkot dito.

Matatandaang nahaharap si Lapeña sa reklamong graft dahil sa kabiguan umanong mapanagot ang mga sangkot sa smuggling.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?